Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga solo parents sa lalawigan ng Pangasinan na nabibigyan ng suporta tulad ng mga subsidy payouts sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tulad sa ilang lungsod at bayan, isa rin ang bayan ng Infanta sa nagpapatupad ng programang nakatuon sa kapakanan ng mga solo parents kung saan sa kamakailan lamang na payout at tumanggap ng tig-P3,000 na tulong pinansyal ang 45 kwalipikadong benepisyaryo sa bayan.
Makatutulong umano ito sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at mapagaan ang hamon ng pagpapalaki sa kanilang mga anak bilang nag-iisang magulang.
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Infanta, sa pamumuno ni Ms. Janice O. Guno, RSW, ang pamamahagi ng subsidy sa mga benepisyaryo.
Samanatala, sa pambansang antas, iniulat ng DSWD noong Pebrero 2026 na may 260,934 rehistradong solo parents sa buong Pilipinas at 291 LGUs ang nagpapatupad ng buwanang subsidy para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










