Mga sundalong atletang nanalo ng medalya sa SEA Games at BAR passers, binigyan ng parangal ng AFP

54

Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 74 na military officers, enlisted personnel, at civilian human resources na nag-uwi ng medalya sa nakalipas na 31st Southeast Asian Games (SEAG) at nakapasa sa huling Bar Exams.

Ginawaran ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ng Outstanding Achievement Medal ang mga atletang nakakuha ng gintong medalya sa SEAG.

Kabilang sa mga ito si Staff Sergeant Hidilyn Diaz ng Philippine Air Force (PAF).


Meritorious Achievement Medal naman ang iginawad sa mga nanalo ng silver at bronze medal, at Military Merit Medal sa mga soldier-coach sa 31st SEA Games.

Pinagkalooban naman ng plaque of recognition ang 15 nilang tauhan na nakapasa sa Bar Exams.

Sinabi naman ni Gen. Centino na ang kanilang nakamit na tagumpay sa kani-kanilang mga larangan ay nagdulot ng karangalan hindi lang sa AFP, kundi sa buong bansa.



Facebook Comments