Monday, September 7, 2026

P7.4 billion plunder case, isinampa laban kay ex-House Speaker Romualdez; Romualdez, bumili ng ilang bahay at nag-donate pa sa Harvard

Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ang kasong Plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, dating mambabatas nasi Zaldy Co, at dalawang iba pa ang inihain ngayong Lunes ng umaga, Sept. 7 ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Ito ay kaugnay sa hati-hating transaksyon ng P7.4 billion mula sa suhol, insertions o allocables, at kickback sa flood control projects.

Ayon pa kay Ombudsman Remulla, ibinili umano ang pera ng iba’t ibang bahay at nagbigay pa ng donasyon sa Harvard.

Maliban sa naisampang kaso, may iba pang kaso, gaya ng money laundering, na ihahain ang Office of the Ombudsman laban sa nasabing mga akusado.

Paglilinaw ni Ombudsman Remulla, hindi kasali sa naging basehan ng ahensya ang mga testimonya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, pero magiging malaking tulong umano ito para malaman kung paano nangyari ang transaksyon sa departamento at kung paano sila kumilos.

Sa ngayon, ang kaso ni Romualdez ang maitururing na “big fish” sa mga kaso na may kinalaman sa maanomalyang flood control project.

Facebook Comments