Mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero, nasa bansa pa

Naniniwala ang Task Force Sabungero na nasa bansa pa ang mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero.

Ito ay batay sa intelligence report ng Philippine National Police (PNP) kung saan kabilang dito sina Julie A. Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo E. Zabala, Virgilio P. Bayog, Johnry R. Consolacion, at Roberto G. Martillano Jr.

Tumanggi naman si Justice Secretary Crispin Remulla na ihayag kung personal niyang pera o kung sinu-sino ang mga nagkaloob ng pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek.


Una nang inanunsyo ng kalihim ang P6 milyon na reward money matapos ang pakikipagpulong ng task force sa mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments