Mga Suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 18 anyos na dalaga sa DOS, tiklo!

56

Arestado ang 4 katao na di umanoy sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa isang 18 anyos na dalaga sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa report ng DOS PNP, kinilala ang mga naaresto na sina Kadil Guiamad, 54 anyos, Kasla Esmael 23, Tato Mangukan 18 at ang 16 anyos na si Nhot na mga residente ng Dalican.

Inaresto ang mga suspek matapos ituro ng mga di umanoy nakasaksi sa krimen, ayon kay DOS PNP Chief CINS Lendsy Sinsuat.

Matatandaang unang naireport sa DXMY ang brutal na sinapit ng 18 anyos na dalagang si Jocelyn Blah mula sa Brgy. Badak. Sinasabing March 5, 2018 sa mismong kaarawan ng dalaga ng maiulat na nawawala ito at wala ng buhay ng matagpuan noong March 7.
Kasalukuyang himas rehas na sa selda ng DOS PNP ang mga suspek at nahaharap na sa kaukulang kaso.
GOOGLE PIC

Facebook Comments