AWENG 2026 INDIGENOUS PEOPLE SUMMIT, TINUTUKAN NG NCIP SA PANGASINAN

Pinaghahandaan na ng National Commission on Indigenous Peoples Regional Office I (NCIP-RO1) ang nalalapit na AWENG 2026: Region 1 IP Summit sa Oktubre, kasabay ng ancestral domain visitation noong Hunyo 8 sa Sitio Pilawan, Brgy. Sagunto, Sison, Pangasinan.

Sa gitna ng paghahanda para sa malakihang IP summit, inisa-isa ng NCIP-RO1 ang mga preparasyon kabilang ang program of activities, financial requirements, logistics, venue at accommodation arrangements.

Kasabay nito, lumutang din ang patuloy na pangangailangan ng Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa legal assistance at aplikasyon para sa Certificate of Confirmation (COC) at Educational Assistance Program (EAP).

Kaugnay nito, nagbigay rin ng 68 school bags na may school supplies sa mga kindergarten at elementary learners sa Sison ang ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments