Mga tauhan ng MPD, pinag-iingat na rin kontra sa mainit na lagay ng panahon

Muling nagbalik sa pagsusuot ng patrol shirt ang mga tauhan ng MPD paetikular ang mga nakatalaga sa beat patrol o pagpapatrolya.

Base na rin ito sa direktiba ni Manila Police District (MPD) Director Police BGen. Arnold Thomas Ibay sa gitna ng sobrang mainit na panahon.

Ayon kay Ibay, pinaalala na rin niya ang palagiang pag-inom ng tubig ng mga pulis upang manatiling hydrated at maiwasan na ma-heat stroke.

Kasama rin sa pinatutugunan ang lagay ng mga nakapiit na indibidwal sa mga istasyon at headquarters ng MPD.

Dagdag pa ni Ibay, inatasan niya ang mga personnel na panatiliin ang pagpapalinis sa mga PDL sa kanilang selda, madalas na pagpapaligo at paglalagay ng dagdag na electric fan.

Pinasisiguro rin ng opisyal na nakakainom ng sapat na tubig ang mga indibidwal na nasa kustodiya ng MPD.

Facebook Comments