
Cauayan City – Nagsasagawa ngayong unang quarter ng taon ang City Health Office 3 ng libreng flu vaccine sa mga residente ng Cauayan City, Isabela.
Nagsimula ang programa noong nakaraang taon, kung saan may kanya-kanyang alokasyon ang bawat lugar.
Ayon sa mga nakatanggap ng bakuna, tanging pananakit lamang sa lugar ng turok ang naramdaman sa loob ng 24 oras at walang naiulat na masamang epekto.
Bukod sa pagbabakuna, nagsagawa rin ang mga health personnel ng health teachings sa mga bahay para magbigay ng kaalaman kung paano makakaiwas sa sakit.
Pinayuhan din ang mga mamamayan na, kung kaya, huwag munang uminom ng gamot maliban kung kinakailangan.
Samantala noong taong 2024, nakapagtala naman ang City Health Office 3 ng 1,883 cold cases sa mga batang 5 limang taon pababa at 2,984 acute respiratory infection sa mga 5 taon pataas.