
Pinaigting ng pamahalaan ang aksyon laban sa mga cargo company na nanloloko sa Overseas Filipino Workers (OFWs), lalo na sa mga nawawala o hindi nai-deliver na balikbayan box at iba pang padala.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinalalakas ng Bureau of Customs (BOC) ang pagtulong sa mga apektadong OFW at pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot.
Pinayuhan din ang mga biktima na agad magsumbong sa mga awtoridad para mabilis na maaksyunan ang reklamo.
May naisampa na ring large-scale estafa case sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang cargo company dahil sa reklamong panloloko.
Babala ng Malacañang sa mga manlolokong cargo operators na mananagot ang sinumang umaabuso sa mga OFW.
Facebook Comments










