DALAWANG PAMILYA, NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG SA BRGY. MALIMPEC SA BAYAMBANG

Dalawang pamilya ang nawalan ng tahanan at mga ari-arian matapos masunog ang kanilang mga bahay sa Sitio Balas, Brgy. Malimpec noong araw mismo ng Kalayaan, June 12, 2026.

‎Kinilala ang mga naapektuhang residente na sina Bobby Endriga at Ronnel de Vera, na kabilang sa mga biktima ng structural fire na sumiklab sa kanilang lugar.

‎Dahil sa insidente, napilitang harapin ng dalawang pamilya ang pagkawala ng kanilang tirahan at ilan sa kanilang mahahalagang pag-aari.

‎Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang maapula ang apoy at maiwasan ang mas malawak pang pinsala sa komunidad.

‎Kasunod ng insidente, nagsagawa ng mabilis na pagresponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments