MIAA, may paglilinaw sa optional na pagsusuot ng mask

Naglabas ng paglilinaw ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pinaiiral na optional na pagsusuot ng face mask.

Sa abiso ng MIAA, iginiit nito na ang pinaiiral lamang na optional na pagsusuot ng face mask ay sa loob ng airport.

Gayunman, nananatili anilang mandatory ang pagsusuot ng face mask sa loob ng eroplano.


Inoobliga rin anila ang pagsusuot ng face mask sa transportation vehicles tulad ng airport buses.

Samantala, nilinaw ng MIAA na may sapat silang tauhan sa nalalapit na Semana Santa kung saan inaasahang daragsa ang mga pasahero sa mga paliparan.

Tiniyak din ng MIAA na magdaragdag sila ng mga tauhan sa airport para matiyak na mabilis ang magiging proseso ng pagbiyahe ng mga pasahero.

Facebook Comments