MIAA, muling magsasagawa ng bakuna sa mga empleyado at dependents sa Biyernes

Muling magkakaroon ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) Terminal 4 sa Biyernes, February 4.

Partikular na babakunahan ang mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) at kanilang dependents.

Sisimulan ang pagbabakuna ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.


Ayon sa MIAA, 800 Moderna doses at 200 Sinovac doses ang bakunang inilaan sa kanila ng Bureau of Quarantine.

Karamihan sa mga tatanggap ng bakuna ay para sa second dose at booster shot.

Facebook Comments