Wednesday, July 15, 2026

Mga mag-aaral ng Malabon National High School, pinauwi na kasunod ng kumakalat na banta ng karahasan

Pinauwi na ang mga mag-aaral sa Malabon National High School bilang pag-iingat sa kanilang kaligtasan kasunod ng kumakalat na banta ng karahasan.

Nananatili ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa loob at paligid ng paaralan upang tiyakin ang seguridad habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon kaugnay ng kumakalat na umano’y banta.

Nananawagan din ang Malabon local government unit (LGU) sa publiko na manatiling kalmado, umiwas sa pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon, at makinig lamang sa opisyal na anunsyo.

Tinitiyak naman ng Malabon Police Office na ang sinumang mapatutunayang responsable ay pananagutin at sasailalim sa buong saklaw ng umiiral na batas.

Facebook Comments