MIAA, nagbabala sa mga kolorum na taxi na naglipana sa NAIA terminals

Makikipag-ugnayan ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng paglipana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ng mga kolorum na taxi.

Ayon kay MIAA Officer-in-Charge General Manager Cesar Chiong, kabilang din sa kanilang aaksyunan ang reklamo sa overcharging ng mga taxi sa NAIA.

Nakipagpulong na rin si Chiong kay Assistant General Manager on Security and Emergency Services (AGMSES) Manuel Gonzales na siyang in-charge sa seguridad sa NAIA Complex.


Ang nasabing tanggapan din ang siyang in-charge sa pag-aksyon laban sa mga kolorum na taxi sa paliparan.

Facebook Comments