Miami Heat, isang panalo na lang ang kailangan para makarating sa NBA finals

40

Isang panalo na lang ang kakailanganin ng Miami Heat para muling makarating sa NBA Finals.

Ito’y matapos nilang talunin ang Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference Finals kung saan nanguna sa laro ang kanilang rookie na si Tyler Herro na may 37-points at umabante sila sa 3-1 win/loss record.

Hindi naman umobra ang 28-points ni Jayson Tatum ng Boston para makuha ang panalo at maitabla sana ang serye.

Ang Game-5 sa pagitan ng Heat at Celtics ay mapapanood sa Sabado, (September 26) alas-8:30 ng umaga (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments