Landbank, magsasagawa ng systems upgrade maintenance

59

Magsasagawa ng systems upgrade at maintenance activities ang Land Bank of the Philippines (Landbank) bukas, Setyembre 25, Biyernes, ganap na alas-11 ng gabi hanggang alas-11 ng umaga kinabukasan, araw ng Sabado, Setyembre 26, 2020.

Ayon sa Landbank, kabilang sa kanilang mga serbisyo na hindi muna magagamit ay ang Automated Teller Machine (ATM), cash deposit machines, iAccess, mobile banking app, phone access, Link.BizPortal, electronic tax payment system, electronic modified disbursement system, Digital Onboarding System (DOBs).

Bukod dito, hindi rin magagamit ang Digital Corner and Website, Landbank Remittance System, Landbank card transactions via Bancnet and Visa at Landbank card transactions via Point-of-Sale.

Facebook Comments