Misis na Nakikipagtalik sa Kalaguyo, Huli sa Akto ng mga Kamag-anak!

5536

Huli sa akto ng mga kamag-anak ang isang misis at kalaguyo nito na nagtatalik mismo sa loob ng kanilang bahay Sto. Gattac, Brgy. Darubba, Quezon, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang magkalaguyo na sina Marites De Vera, 38-anyos, may-asawa, residente ng Sto. Gattac, Brgy. Darubba, Quezon, Nueva Vizcaya at Mario Maddam-ot, 49-anyos, may-asawa, magsasaka, residente ng Centro Poblacion, Kiangan, Ifugao.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.iFM Cauayan kay P/Maj.Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), dakong 1:30 kaninang madaling araw nang maaktuhan umano ng mga kamag-anak ng mister ni Marites na nagsisiping ang mga ito.

Agad na rumesponde at hinuli ng pulisya ang dalawa matapos silang maimpormahan at tanging underwear na lamang ang kanilang saplot nang sila’y maabutan.

Dagdag dito, nakuhanan pa ng isang Cal 45 na baril si Maddam-ot.

Itinaon umano ng dalawa na wala ang mister ni de Vera na nasa kanyang trabaho sa bayan ng Kasibu sa nasabi rin Lalawigan.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang mister ni de Vera kung tuluyan nitong sasampahan ng kasong adultery at concubinage ang dalawa maliban sa ikinaso ngayon ng pulisya kay Maddam-ot na paglabag sa R.A 10591 o illegal possession of firearms.

Facebook Comments

From Advertisers