
Naglabas ng open letter si Vice President Sara Duterte para kay Cavite Cong. Kiko Barzaga matapos itong patalsikin sa Kamara.
Sa kanyang liham, sinabi ni VP Sara na kakaiba si Barzaga lalo na’t hindi ito naging convicted sa kasong child abuse, hindi nag-uwi ng male-maletang pera ng bayan at hindi nagdadala ng cocaine at alak sa opisina, at lalong hindi pumanig sa korupsyon at pang-aapi.
Binigyang-diin pa ng pangalawang pangulo na siya man ay itinuturing na kakaiba at ilang beses siyang tinawag na baliw, bobo, at kung anu-ano pa dahil lamang sa pagtanggi niyang sumunod sa nakasanayan.
Inihayag din ni VP Sara na ang lakas na pinakita ni Barzaga ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming Pilipino.
Ipinaabot din ni VP Sara kay Barzaga na siya ay mahal ng Diyos, ng mga Caviteño, ng mga Dabawenyo, ng mga agila at ng mga pusa.










