MISSILE | DFA nakikipag-ugnayan sa Filipino community sa Najran Saudi Arabia

253

Inaalam na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may nadamay na Pilipino sa nangyaring pagbagsak ng missile sa residential area sa Najran, Saudi Arabia.

Ito ay makaraang magpakawala ng missile ang Yemen patungo sa direksyon ng Saudi, Miyerkules ng gabi.

Sa kabutihang palad nasira at nawasak ng Royal Saudi Air Defense Forces ang nasabing pakawalang missile ng Yemen kung kaya at maliliit na debris na lamang ang bumagsak sa ilang kabahayan.

Nagresulta ito sa 23 indibidwal na nagtamo ng minor injuries.

Kasunod nito nakikipag-ugnayan na ang DFA sa mga lider ng Filipino community sa Najran upang mabatid ang sitwasyon at kalagyan ng nasa 7,850 na mga Pinoy sa Najran Saudi Arabia.

Facebook Comments