
Ikinabahala ng Kamara at ng prosecution team ang mistulang pag-aabogado para kay Vice President Sara Duterte ni Senate impeachment court Spokesperson si Atty. Reginald Tongol.
Sa nakikita ni House Impeachment Spokesperson Atty. Antonio Audie Bucoy, tila sumusunod si Tongol sa yapak ng ilang mga “biased” na senador tulad ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nagsusulong na i-dismiss ang impeachment case.
Hiling naman ni House Spokesperson Atty. Princess Abante kay Tongol, huwag magsalilta para sa kampo ni VP Sara at tigilan din ang pagpapakalat ng maling impormasyon para lituhin ang publiko at palabasin na ang kamara ang dahilan kaya nade-delay ang impeachment trial.
Diin pa ni Abante, hindi nakikipag-away ang Kamara, kanila lang iginigiit na dapat ay gampanan na ng Senado bilang impeachment court ang tungkulin nito sang-ayon sa Konstitusyon.