UMANONG SOBRANG PANININGIL NG PAMASAHE SA TRICYCLE SA BINALONAN, INIREKLAMO SA GITNA NG LCUAA GAMES 2026

Nakatanggap umano ng mga reklamo ang lokal na pamahalaan ng Binalonan, Pangasinan kaugnay ng hindi tamang paniningil ng pamasahe ng ilang tricycle driver, kasabay ng pagdating ng mga atleta at delegado para sa ika-15 LCUAA Games 2026.

Dahil dito, muling ipinaalala ang umiiral na pamasahe na ₱20 kada pasahero sa mga biyahe sa loob ng sentro ng bayan, na may maximum na apat na pasahero bawat tricycle.

Para naman sa mga nais umarkila ng buong tricycle o special trip, ₱80 ang itinakdang singil.

Sa mga biyaheng patungo sa ibang barangay, dapat sundin ang nakasaad sa opisyal na fare matrix.

Pinapayuhan ang mga pasaherong makaranas ng sobrang paniningil na itala ang detalye ng insidente, kabilang ang plate number ng tricycle, upang maireklamo sa kinauukulang tanggapan.

Gayunman, hindi pa tinukoy sa pampublikong abiso kung ilang reklamo na ang natanggap at kung mayroon nang isinagawang aksyon laban sa mga inirereklamong driver.

Samantala, pinaaalalahanan ang mga tricycle driver na mahigpit na sundin ang itinakdang pamasahe upang maiwasan ang mga reklamo at posibleng pananagutan sa paglabag sa umiiral na regulasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments