Miyembro ng NPA na wanted sa pagpatay, nasawi matapos na manlaban habang inaaresto sa Pasay City; isang pulis, patay sa panlalaban ng suspek

340

Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) na may kasong pagpatay matapos na manlaban sa mga pulis habang inaaresto sa Malibay, Pasay City kahapon.

Kinilala itong si Hubert Aplacador na naaresto ng mga tauhan ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company at Pasay City Police Station.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Rhoderick Augustus Alba, isisilbi sana ng mga pulis ang warrant of arrest sa suspek pero nanlaban ito.


Dahil dito tinamaan ang dalawang pulis na sina PSSg. Nikki Codera at PLt. Rogelio Walay, kapwa sila isinugod sa ospital pero ideneklarang dead-on-arrival si Codera.

Nasawi naman agad ang suspek matapos gumanti ng putok ang mga pulis.

Ikinalukungkot naman ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang pagkakapatay nang kaniyang isang tauhan na aniya’y nagbuwis ng buhay para lamang matiyak na criminal-free at crime-free ang komunidad.



Facebook Comments