Moana inspired photoshoot ng isang bata, kinagiliwan ng netizens

85

Kinatuwaan ng netizens ang milestone picture ng isang bata sa Zamboanga dahil sa sobrang ka-cute-an nito habang umiiyak.

Ibinihagi ng isang ina sa social media ang mga litrato ng kanyang anak na shinoot para sa kanyang ika-walong buwan.

Ngunit pagdating nila doon, ay halos di na nila nagamit ang iba pang props dahil sa kakaiyak ng kanyang anak.


Ayon sa ina ng bata na si Majudel Composa, pumunta pa raw sila sa dalampasigan bitbit ang mga props at costume na may temang Moana.

Pero nagalit daw ang kanyang model na anak dahil sa suot nitong wig na biglang tumaas at makati pa.

Kahit ganon pa man, umani ng libo-libong likes and hearts mula sa mga netizens ang naturang mga litrato.



Facebook Comments