MOBILE PUMP, GINAMIT SA PAGPAPALABAS NG TUBIG MULA CAREENAN CREEK SA DAGUPAN

Patuloy ang isinasagawang pumping operation sa Careenan Creek sa Barangay Poblacion Oeste upang mapabilis ang pagbaba ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa lugar.

Gamit ang mobile pump, inililipat ang tubig mula Careenan Creek patungo sa Pantal River bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaang lungsod sa pagtugon sa mga problema dulot ng pag-iipon ng tubig at pagbaha.

Isinagawa rin ang kaparehong operasyon sa Consignacion Magsaysay Market, sa pangunguna ng City Engineering Office sa ilalim ni City Engineer Josephine Corpuz.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi lamang ito ng mga agarang hakbang upang mapabilis ang drainage at mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga komunidad.

Samantala, nakatakda ring bumili ang lungsod ng dalawa pang mobile pumps bilang karagdagang kagamitan para sa mga isasagawang flood mitigation projects.

Patuloy naman ang koordinasyon ng mga concerned offices upang palakasin ang mga hakbang ng lungsod tungo sa mas epektibong flood mitigation at mas ligtas na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments