Most Wanted ng Banga PNP, arestado

21
Kalibo, Aklan — Arestado ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng Banga Municipal Police Station kahapon sa Barangay Linayasan, Altavas, Aklan.
Ang akusado ay kinilalang si Virgilio Raval Custodio, Jr., 35 anyos, residente ng Waling-Waling St. Barangay Poblacion, Banga.
Inaresto si Custodio ng mga miyembro ng Banga MPS at Aklan Police Provincial Office sa bisa ng Warrant of Arrest kasong Rape na inisyu si Hon. Bienvenido P. Barrios, Jr., Presiding Judge, 6th Judicial Region, Branch 3, Regional Trial Court, Kalibo, Aklan na may petsang May 24, 2022.
Walang itinalagang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ang akusado ay nasa kustodiya ng Banga MPS at nakatakdang i-turn over sa korte.
Facebook Comments