Pormal nang inilunsad ang New Water Source Development Project na naglalayong mapabuti ang suplay ng malinis na tubig sa apat na barangay at karatig lugar sa Dagupan City.
Sa ilalim ng proyekto, layuning matugunan ang mahinang water pressure at kakulangan ng suplay ng tubig sa mga barangay sa pamamagitan ng pagtatatag ng karagdagang pumping station sa Brgy. Lasip Grande.
Kabilang sa mga direktang makikinabang ang mga barangay ng Pogo Grande, Pogo Chico, at Malued, pati na rin ang mga karatig-lugar.
Binigyang-diin ng mga kinauukulan na ang pagkakaroon ng maayos na suplay ng tubig ay mahalaga hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain ng bawat pamilya kundi pati na rin sa kalusugan, kalinisan, at kabuhayan ng komunidad.
Facebook Comments










