MOTORSIKLO NG BINATA NA PINARADA MALAPIT SA TINUTULUYAN NG KASINTAHAN, KINARNAP

Tinangay ang motorsiklo na ipinarada ng isang binata malapit sa tinutuluyan ng kasintahan sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang biktima na si alyas John, 22-taong gulang, at residente ng Cepeda St. Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City.

Ayon sa ulat ng PNP Tuguegarao, ipinarada umano ng binata ang kanyang black na scooter na may plakang 387 BAM malapit sa tinutuluyan ng kanyang girlfriend sa Arellano St. Barangay Ugac Sur, Tuguegarao City.

Nagpunta umano ang biktima sa sa lugar upang tulungan ang kanyang kasintahan sa thesis nito kaya’t inumaga na ito ngunit ng pauwi na ay nadiskubre niya na wala na sa pinaradahan ang kanyang scooter.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, nakita sa CCTV ang tatlong kalalakihan na tumangay ng motorsiklo at itanakas ito papunta sa Buntun area palabas ng Tuguegarao City.

Facebook Comments