HIGIT ISANG DAANG INDIGENT DAGUPEÑOS, TUMANGGAP NG TULONG PINANSYAL SA ILALIM NG AICS

Patuloy ang paghahatid ng tulong pinansyal ng Pamahalaang Lungsod para sa mga nangangailangang residente sa pamamagitan ng programang Assistance in Crisis Situation (AICS).

Kabuuang 121 indigent Dagupeños ang tumanggap ng tulong pinansyal sa payout na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) katuwang ang City Treasurer’s Office.

Kasabay ng pamamahagi ng ayuda, nagsagawa rin ng mga makabuluhang lecture at information drive para sa mga benepisyaryo. Kabilang dito ang SafeNet lecture, gayundin ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa mga programang YAKAP at GAMOT ng PhilHealth, sa pakikipagtulungan ng City Health Office.

Nagbigay rin ng mahalagang talakayan at gabay ang mga psychometrician, na naglalayong itaguyod ang kamalayan sa kalusugang pangkaisipan at pangkalahatang kapakanan ng mga kalahok.

Naging katuwang din sa maayos at organisadong pagsasagawa ng payout ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng lahat ng dumalo sa aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments