MPD, mas hinigpitan ang pagbabantay sa mga bus terminal

PHOTO: Emman Mortega

Mas hinigpitan ng Manila Police District (MPD) ang pagbabantay sa mga bus terminal sa Maynila.

Ito’y upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagbakasyon commuters na magbabalik sa lungsod matapos ang pasko at bagong taon.

Kaugnay nito, inatasan ni MPD Dir. Col. Arnold Thomas Ibay ang mga station commanders na nakakasakop sa mga bus terminal na makipag-ugnayan sa mga terminal security guards at barangay na nagsisilbing force multipliers upang maging maayos ang pagbabantay.


Panawagan naman ng opisyal sa bawat duty security guards sa mga bus terminals na huwag mag-atubiling lumapit sa mga pulis na nakalataga sa Police Assistance Desk (PADs) kung mayroon problema.

Inatasan rin ni Ibay ang mga tauhan na maging handa at alerto sa oras ng duty para masiguro ang katiwasayan at kapakanan ng publiko.

Ang mga mobile patrol unit naman ay patuloy na mag-iikot upang maiwasan din ang anumang uri ng krimen sa paligid ng mga bus terminal.

Facebook Comments