MPD, nakaalerto sa mga kilos-protesta kasunod ng pagdating sa bansa ni US Defense Secretary Lloyd Austin III

Nakahanda ang Manila Police District (MPD) sa ikinakasang kilos-protesta ng mga militante kasunod ng pagdating kagabi sa bansa ni US Defense Secretary Lloyd Austin III.

Si Sec. Austin ay nakatakdang makipagpulong sa military officials ng bansa para sa pagpapatupad ng Enhanced Defence Cooperation Agreement o EDCA.

Ayon kay MPD Director Brig. Gen Andre Dizon, ngayon pa lamang ay nakaalerto na ang pwersa ng MPD.


Tiniyak din ni Dizon na hindi papayagan ng pulisya na makalapit ng US Embassy ang mga demonstrador.

Aniya, ipatutupad ng MPD ang maximum tolerance para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa pagdaraos ng kilos-protesta ng mga grupong tutol sa EDCA.

Facebook Comments