PNP, nagpatupad ng bagong balasahan sa kanilang matataas na opisyal

Nagpatupad ng bagong balasahan sa Philippine National Police (PNP).

Epektibo ngayong araw, March 7, 2022, promoted na si PLt. Gen. Rhodel Sermonia bilang Deputy Chief for Administration.

Pinalitan nya si PLt. Gen. Israel Ephraim Dickson na nakatakda nang magretiro sa March 27 at inilipat na sa Office of the Chief ng PNP.


Ipinuwesto naman sa command group si PLt. Gen. Ferdinand Divina na galing sa Office of the Chief ng PNP at itinalagang Deputy Chief for Operations na kapalit ni Sermonia.

Dahil dito, si Divina na ang number 3-man ng PNP at nakatakda ring humawak sa Joint Task Force COVID Shield.

Matatandaang na bago nito 18 matataas na opisyal ng PNP ang binalasa nitong March 1.

Facebook Comments