MRT-3, may handog na ‘LIBRENG SAKAY’ para sa mga atleta at delegado ng FIBA 2023

May handog na ‘LIBRENG SAKAY’ ang Metro Rail Transit (MRT) Line -3 para sa mga atleta, volunteer, at iba pang delegado ng FIBA Basketball World Cup 2023 mula ngayong araw, August 25 hanggang September 10.

Sa isang advisory, sinabi ng MRT-3 na ito ay bilang pagsuporta sa Philippine Sports Commission (PSC), at sa lahat ng mga delegado ng nasabing international sports event.

Kinakailangan lamang na ipakita ng mga delegado ang kanilang FIBA Accreditation Pass sa service gate sa mga istasyon upang payagang libreng makasakay sa tren.


Maaaring ma-avail ang ng LIBRENG SAKAY sa buong operating hours ng MRT-3.

Facebook Comments