Mga tutungo sa sementeryo sa Undas, hinimok ng DOH na magpa-booster shot

132

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga tutungo sa mga sementeryo sa Undas na magpaturok ng kahit isang booster shot.

Layon nito na matiyak ang kanilang proteksyon laban sa COVID-19.

Ito ay sa harap ng nakakapagtala pa rin ang DOH ng pagtaas sa kaso ng infection lalo na sa Metro Manila at mga karatig na lugar.


Sa pinakahuling tala rin ng DOH, mataas pa rin ang bilang ng mga binabawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Nananatili ring mababa ang bilang ng mga nagpapa-booster dose.

Facebook Comments