MRT-3, nagpatupad ng provisional operations mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard

Pansamantalang nagpatupad ng provisional operations ang Metro Rail Transit o MRT Line 3 mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard.

Ito’y dahil sa rolling stock problem sa interstations ng Taft at Magallanes (northbound).

Dahil dito, nasa walong train units lamang ang tumatakbo sa nasabing ruta bunsod ng limitadong operasyon.


Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pamunuan ng MRT-3 ang sanhi ng problema na nagresulta sa paglilimita ng biyahe ng kanilang mga tren.

Facebook Comments