MRT-3, nakapagserbisyo na ng mahigit 15 milyong mga pasahero sa Libreng Sakay Program

32

Umabot na sa mahigit 15 milyong pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na simula March 28 – May 23, 2022.

Sa naturang bilang, mahigit 8.4 milyon ang nakalibre ng pamasahe noong unang buwan ng implementasyon ng libreng sakay mula March 28 hanggang April 30.

Samantala, sa ikalawang buwan ng libreng sakay mula May 1 hanggang May 23, nasa 6.9 milyong pasahero naman ang naserbisyuhan ng linya.


Matatandaang ipinatupad ang Libreng Sakay sa MRT-3 bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng linya at upang maipakita sa mga pasahero ang mas pinagandang serbisyo nito.

Sa ngayon, pinalawig pa libreng sakay sa MRT-3 hanggang May 30.

Facebook Comments