Muntinlupa, magpapatupad ng 6 days na liquor ban sa 2023 Bar Exams

Magpapatupad ng anim na araw na liquor ban ang Lungsod ng Muntinlupa sa mga examination center sa darating na 2023 Bar Examination.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, ipapatupad nila ang nasabing ban sa loob ng 500-meter radius ng San Beda College-Alabang kung saan idaraos ang darating na Bar Exams.

Ang liquor ban ay ipapatupad mula alas-9:00 ng gabi hangang alas-10:00 ng gabi mula September 16-17,19-20, at 23-24.


Babala ni Biazon sa mga residenteng malapit sa nasabing paaralan na sundin ang naturang kautusan upang hindi malagay sa anumang parusa at multa.

Facebook Comments