Umaagaw ngayon ng atensyon sa Urdaneta City People’s Park ang isang mural na pinamagatang “Lubid,” na makikita sa kahabaan ng parke at nagiging tampok na tanawin sa mga bumibisita sa lugar.
Nagsama-sama ang mga lokal na artista upang makabuo ng isang kwentong sumasalamin sa pagkakaisa.
Makikita sa mural ang isang lubid na nagdudugtong ng mga kuwento ng mga mangingisda at ng yamang kalikasan na nagbibigay-buhay at kabuhayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, isa umano itong inspirasyon ng pagkakaisa at kamalayan hinggil sa kahalagahan ng West Philippine Sea, habang binibigyang-diin ang papel ng sining bilang midyum ng pagpapahayag ng damdamin at adbokasiya.
Inaasahang magsisilbing inspirasyon ang naturang mural upang higit na maunawaan ng publiko ang matibay na kahalagahan ng pagkakaisa para sa kapakanan ng susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










