MWSS Regulatory Office, nagbabala sa Maynilad na sila’y pagmumultahin kapag hindi nila natugunan ang reklamo ng kanilang mga customer

57

Nagbabala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage Sytem Regulatory Office (MWSS RO) sa Maynilad na maaari silang pagmultahin kapag hindi nila natugunan ang mga reklamo ng kanilang mga customer.

Matatandaang nagpadala na ng notice to explain ang MWSS sa Maynilad dahil sa sunod-sunod na reklamo ng mga customers nito kaugnay sa water service interruption at sa kalidad ng tubig.

Ayon sa MWSS, naaalarma sila sa mga reklamo ng customers ng Maynilad dahil naayos na umano ng nasabing water concessionaire ang problema ngunit nagpapatuloy pa rin ito hanggang ngayon.


Nangako naman ng Maynilad na patuloy nilang ginagawa ang kanilang trabaho para maihatid nang tama ang serbisyo sa kanilang mga customer.

Facebook Comments