NAANING MAIS NG ISANG MAGSASAKA SA ISABELA, SINUNOG

30
Hindi alam ng magsasakang si Elizardo Mallari, Sr. ng Calamagui, San Pablo, Isabela kung paano makakabangon muli matapos umanong sunugin ang kanyang naaning mais ng mga hindi pa kilalang suspek.

Ayon sa kanya, ipapa-thresher sana ang mga naaning mais subalit laking gulat niya nang madatnan niyang halos abo na lahat ang kanyang mga pinaghirapan sa loob ng ilang buwan.

Hindi rin lubos maisip nito kung paano makakabangon sa sobrang mahal ng mga nagastos niya mula sa pagpapa-tractor ng lupa, pagbili ng binhi at abono.

Sana raw ay naisip ng mga gumawa nito na dugo at pawis ang kanyang naging puhunan rito.

Nananawagan si tatay Elizardo sa mga kinauukulan na sana ay mahuli ang mga may kagagawan nito at sana ay tulungan din siya ng mga concerned agencies upang makabangon muli.

Facebook Comments