Monday, September 7, 2026

Panukalang batas na ipagbawal ang social media sa 13 anyos pababa, inaprubahan sa committee level ng Kamara

Aprubado na sa House Committee on Welfare of Children ang substitute bill o pinagsama-samang 41 panukalang batas na layuning ipagbawal ang social media sa mga batang 13 anyos pababa.

Sa ilalim ng panukala ay hihigpitan naman o magkakaroon ng limitasyon sa paggamit ng social media ang edad 13 hanggang 18 para sila ay maproteksyunan laban sa mga mapanganib na content online.

Ayon kay House committee on Welfare of Children Chairman at Pasig City Representative Roman Romulo, kabilang sa restrictions ang pagbabawal sa kanila na manood ng mga short videos, messaging applications, at harmful content na patungkol sa karahasan at sexual gayundin ang paglahok nila sa mga chat groups.

Diin naman ng chairperson ng komite na si Nanay Party-list Rep. Florabel Yatco ang pag-abot sa 41 ng panukala hinggil dito ay patunay kung gaano kalakas ang suporta na ito ay maisabatas sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments