NAGHIGPIT | Mga babaeng pasahero patungong SoKor, mahigpit na ini-screen ng BI

Naghigpit ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-screen sa mga babaeng pasahero na patungo ng South Korea.

Kasunod ito ng pagkakaharang ng BI sa Clark International Airport sa Angeles City, Pampanga sa anim na mga babaeng patungo ng South Korea na pawang biktima ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, tumataas ngayon ang insidente ng mga babaeng nire-recruit ng mga sindikato para ipasok sa mga nightclub sa nasabing bansa.


Una nang inalerto ni Morente ang kanilang mga tauhan mga paliparan at international ports.

Facebook Comments