Sen. Leila de Lima, hiniling sa korte na makapag-video call sa inang nasa kritikal na kondisyon

Hiniling ni detained Sen. Leila de Lima sa Muntinlupa City RTC Branch 26 na payagan siyang makapagsagawa ng video call ngayong araw sa kanyang 89 taong gulang na ina.

Sa mosyon ni De Lima, nakasaad dito na nasa kritikal na kondisyon ang kanyang ina sa isang ospital sa Iriga City, Camarines Sur matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay De Lima, 3 beses niya lamang nakita ang kanyang ina simula nang makulong siya noong 2017 dahil sa drug case.


Ang senadora ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame.

Facebook Comments