Sinang-ayunan ng ilang Pangasinense ang posibleng pagdeklara ng food emergency ng Department of Agriculture upang mapababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Ilan sa komento ng mga ito, kung ito umano ang pamamaraan ng gobyerno upang maibsan ang nananatiling mataas na presyo ng bigas kada kilo ay sang-ayon umano sila.
Dagdag pa nila, nakitaan naman ng pagbaba sa presyo nito ngunit para sa tulad nilang normal lamang na manggagawa at naghahanap-buhay, hindi pa ito sapat upang masabing tuluyang ramdam ang pagbaba ng presyo.
Bagamat ibinaba ang taripa ng bigas ay hindi pa rin mababa ang bentahan nito sa mga pamilihan.
Sa ngayon, NASA 39 pesos ang pinaka mababang presyo ng bigas ang mabibili sa mga pamilihan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments