Natagpuan sa Barangay Tampog, Bayambang, Pangasinan ang katawan ng isa sa dalawa pang natitirang nawawalang pasahero ng sasakyang nahulog mula sa Agana Bridge sa Tarlac noong August 29, 2026.
Ayon sa update ng Philippine Coast Guard, narekober ng joint search and rescue o SAR team ang katawan nitong Sabado, September 5, 2026.
Kinumpirma rin ng pamilya ang pagkakakilanlan ng nasawi.
Sa limang pasahero ng sasakyan na sangkot sa insidente, isa ang nakaligtas, tatlo na ang nasawi, habang isa pa ang nananatiling nawawala.
Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation ng joint SAR team para mahanap ang huling nawawalang pasahero sa paligid ng Agana Bridge at mga karatig na katubigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







