Siyam na bayan na sa Pangasinan ang apektado ng harabas ayon sa Department of Agriculture Region 1.
Sa tala ng ahensya nasa sa higit PHP 4 milyon o katumbas ng 5.7 metrikong tonelada ng sibuyas ang inatake ng harabas sa Bayambang, Urbiztondo, Malasiqui, San Quintin, Umingan, San Manuel, Villasis, Bautista, at Alcala.
Ayon kay Vida Cacal, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA) Region I, agad nilang inalam ang epekto ng peste sa mga na-ireport na sakahan sa kanila kung saan naberipikang aabot sa 75.78 ektarya ng sibuyas ng 88 magsasaka sa probinsiya ang apektado.
Patuloy ang koordinasyon ng mga ahensya upang magbigay ng tulong at mapigilan ang pagkalat ng peste. Gayunpaman, tiniyak ni Cacal na sapat pa rin ang suplay ng sibuyas sa Rehiyon at wala pang magiging kakulangan sa suplay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments