Namatay na “middleman” sa Percy Lapid killing, negatibo sa external injuries

Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) ang dokumento sa initial findings ng autopsy ng Task Force Villamor sa labi ng inmate na sinasabing middleman sa pagpatay sa journalist na si Percy Lapid.

Partikular dito ang inmate na namatay sa New Bilibid Prisons Hospital na si Jun Globa Villamor.

Sa dokumentong pirmado ni Medico Legal Officer na si Dra.Marivic Villarin Floro, lumalabas na walang external injuries si Villamor, negatibo rin siya sa COVID-19 at paraffin test.


Gayunman, lumalabas na nagkaroon ito dati ng problema sa kanyang puso.

Kaugnay nito, umapela naman sa publiko ang kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa para sa pagsasagawa ng hiwalay na autopsy sa labi ni Villamor para sa mabilis na pag-usad ng imbestigasyon.

Facebook Comments