Saturday, October 10, 2026

Serbisyo ni dating Prime Minister Cesar Virata, kinilala ni PBBM

Bago ang kaniyang working visit sa Singapore, dumalaw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa burol ni dating Prime Minister Cesar Virata.

Kasama si First Lady Liza Araneta Marcos, nagpaabot ang Pangulo ng pakikiramay sa pamilya Virata at kinilala ang mahabang serbisyo nito sa bansa.

Ayon sa Pangulo, malaki ang naging papel ni Virata sa pamahalaan ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Hindi lamang ang mahabang paglilingkod ni Virata ang kanyang inalala, kundi pati ang kanyang dignidad, disiplina at sense of duty.

Nagsilbi si Virata bilang Prime Minister mula 1981 hanggang 1986 at naging Finance Minister nang mahigit isang dekada.

Facebook Comments