
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Las Piñas RTC Judge Pia Cristina Bersamin-Embuscado bilang bagong mahistrado ng Court of Appeals.
Si Bersamin-Embuscado ang panganay na anak ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin, na nagbitiw sa puwesto matapos maiugnay sa mga alegasyon kaugnay ng anomalya sa flood control projects.
Kasama rin sa mga itinalaga sina Trade Undersecretary Allan Batarra Gepty at Parañaque City RTC Judge Leilani Marie N. Dacanay-Grimares.
Ayon sa Presidential Communications Office, layunin ng mga bagong appointment na palakasin ang hudikatura at makatulong sa mas maayos na pagpapatupad ng hustisya.
Nagsilbi rin si Bersamin-Embuscado bilang presidente ng Philippine Judges Association noong Enero 2026.
Facebook Comments










