Nasawi dahil sa COVID-19 sa PNP, nadagdagan ng isa

Umabot na sa 127 ang bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi dahil sa COVID-19.

Batay sa tala ng PNP Health Service, 1 babaeng pulis na may ranggong Chief Master Sergeant at nakatalaga sa Zamboanga City Police ang nasawi.

Siya ay fully vaccinated na pero siya ay may karamdaman na renal disease at diabetes na pinalala ng COVID-19.


Samantala, 325 naman ang mga bagong gumaling habang 208 naman ang bagong bilang ng mga nagkasakit sa hanay ng mga pulis.

Sa kasalukuyan, 1, 489 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments