Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong multi-purpose building sa Barangay Mamalingling sa Dagupan City sa pamamagitan ng isang groundbreaking ceremony.
Isinusulong ang proyekto sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod, Sangguniang Panlungsod, City Engineering Office, at pamunuan ng barangay upang mas mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga residente.
Dumalo sa seremonya sina Vice Mayor Dean Bryan Kua, mga konsehal na sina Atty. Joey Tamayo at Jigs Seen, kasama ang mga opisyal ng Barangay Mamalingling sa pamumuno ni Kapitan Calvin Cayabyab.
Sa kaniyang talumpati, nangako si Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez ng tuloy-tuloy na suporta sa proyekto, mula sa pagtatayo ng pasilidad hanggang sa pagbibigay ng mga kagamitang kakailanganin nito.
Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang mga kawani at residente ng barangay sa bagong pasilidad na magagamit nila.
Inaasahang magsisilbing lugar ang multi-purpose building para sa iba’t ibang aktibidad at serbisyong pangkomunidad sa Barangay Mamalingling. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








